Dumating na sa bansa ang pinakabagong barko ng Philippine Coast Guard, ang MRRV Malabrigo.
May habang 44 meter ang multi-role response vessel na ipinangalan sa Light House Malabrigo sa Lobo, Batangas.
Ayon kay Coast Guard Spokesperson Commander Armand Balilo, gagamitin ang nasabing barko sa pagpapatrol sa West Philippines Sea.
Bagama’t wala ng nagaganap na giriin sa pagitan ng bansa at ng China sinabi ni Balilo na kailangan pa rin ng presensya ng mga barko ng bansa sa West Philippine Sea.
Bukod sa pagbabantay sa West Philippine Sea gagamitin din ang nasabing barko sa mga search amd rescue na isinasagawa ng coast guard gayundin sa law enforcement sa karagatan.
Karagdagan din anya ito sa nauna nang naideliver na barko sa kanila.
Sinalubong ng mga opisyal at tauhan ng Coast Guard sa pangunguna ni Commodore Athelo Ybanez, officer in charge ng coast guard at ni Transport Usec. Felipe Juban ang pagdating ng barko sa Pier 13, South Harbour, Manila.
Inutang ng Pilipinas sa bansang japan ang pagpapagawa ng nasabing mga barko.