Ikaapat na suspek sa pag-iwan ng bomba malapit sa US Embassy, naaresto ng PNP

IED
Kuha ni Ruel Perez

Narekober na ng Philippine National Police ang ikalawang bomba o pampasabog na gagamitin sana ng grupo na nagtanim ng Improvised Explosive Device (IED) malapit sa US Embassy sa Maynila.

Ayon kay PNP chief Director Gen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, inginuso o itinuro ng suspek na si Mohammad Jumao-as na ikatlong suspek sa tangkang pagpapasabog ang IED sa pinagtaguan nito sa Brgy. Sta Ana, Bulakan, Bulacan.

Isang live na 150mm howitzer artillery round o bala ng kanyon ang IED na narekober na may kakayahan umano na makasira o makamatay within 50-80 meters.

Samantala, naaresto na rin ng PNP ang ika-apat na kasamahan ng mga suspek sa tangkang pampasabog.

Pero ayon kay Bato, isang person of interest pa lamang na maituturing ang hindi pinangalanang kasamahan ng mga naarestong suspek sa tangkang pagpapasabog.

Dapat ay ipiprisinta din sa media ang ikaapat na person of interest pero hindi na ito naiharap sa press con kanina sa Kampo Crame.

Read more...