Ito ay matapos matagpuan ang isang kahina-hinalang package malapit sa gusali ng dalawang ahensya.
Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng tawag mula sa security guard ng BIR kung saan ipinagbigay alam sa kanila ang nasabing package na iniwanan sa harapan ng ahensya.
Nakabalot aniya ang package ng mettalic foil at ribbon.
Ayon sa mga residente, hindi nila napansin kung sino ang nag-iwan ng nasabing package at kung kailan ito iniwanan sa harapan ng gusali.
Dahil dito, agad na hinarangan ng mga pulis ang paligid ng gusali at ginamit pa ang ilang patrol cars para pansamantalang isara ang kalsada sa harap ng nasabing opisina ng BIR.
Handa na sanang i-detonate ng Explosive Ordinance Division (EOD) ang nasabing package pero nang buksan ito, nadiskubreng wala naman pala itong laman.
Ayon kay Police Station 5 Deputy Commander Inspector Virgil Cabili, posibleng sinadya ang pag-iwan ng package sa lugar para takutin ang publiko kasunod ng naganap na pagsabog kagabi sa Iligan City kung saan apat katao ang nasugatan.
Kasalukuyang nakikipag-ugnayan na ang mga otoridad sa katabing establisiyimiento para sa CCTV footage na posibleng nakakuha ng naganap na pagsabog kagabi.
Ngayon ay inilagay na sa terror alert level 3 ang buong lungsod ng Iligan.