Ito ang tahasang sinabi ni Vice President Leni Robredo na nagpahayag ng matinding pagkabahala dahil ipinasa umano ito para lamang mapagbigyan si Pangulong Rodrigo Duterte.
Iginiit ni Robredo na ginawa ito ng Kamara kahit walang naipakitang pag-aaral na magpapatunay na mabisa ang pagpataw ng death penalty sa pagsugpo ng krimen.
Tila pinangaralan pa ni Robredo ang mga Kongresista nang sabihin nitong dapat sana ay ang kapakanan ng nakakarami ang isinasaalang-alang at hindi ang pagsunod sa utos ng iisang tao lamang.
Paliwanag pa ng Pangalawang Pangulo, nakalimutan ng mga miyembro ng Committee on Justice na pumirma noon ang ating bansa sa Second Optional Protocol to the International Covenant on Civil and Political Rights na nagbabawal sa Pilipinas na ibalik ang parusang Kamatayan.