Pagtatanggol ni Duterte sa mga pulis na sangkot sa Espinosa killing, pampaataas ng morale sa PNP

PNP HQ“Pampataas ng morale sa Philippine National Police”

Ito ang ginawang paglilinaw ng Palasyo ng Malakanyang sa pagtatanggol at pagkampi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa grupo ni Supt. Marvin Marcos na nakapatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa sa loob ng Baybay Sub-provincial Jail.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, layunin ng pangulo na mapanatili ang mataas na morale ng PNP para magtagumpay sa laban sa iligal na droga.

Ayon pa kay Andanar, hindi ito nangangahulugang nangingialam na si Pangulong Duterte sa anumang imbestigasyon o legal proceedings laban sa mga nagkakasalang pulis.

Giit ni Andanar, malinaw din ang pahayag ni Pangulong Duterte na dapat magsampa ng kaso ang National Bureau of Investigation laban kina Supt. Marcos kung may ebidensyang rubout o murder ang ginawa kay Espinosa.

Iginagalang naman aniya ng pangulo ang karapatan ng sinuman na maglabas ng opinyon o pagkontra sa anumang polisiya ng administrasyon.

Read more...