Nawawala pa rin sa West Philippine Sea ang walong mangingisdang mula sa Infanta, Pangasinan simula noong nakaraang linggo.
Ayon kay Charlito Maniago, kapitan ng Barangay Cato, naglayag sakay ng bangkang pangisda na John Paul ang mga ito noong November 28 sa isang artificial reef o payao.
Hindi pa rin nakababalik ang walong mangingisda sa Cato matapos ang isang linggo.
Ani Maniago, huling namataan ang mga ito sa isang payao sa kanluran ng Bolinao ayon sa isa pang grupo ng mga mangingisda noong December 2.
Kinalala ang mga ito bilang sina Padre Amor, Christopher Monje, Alfredo Bautista, Jomar Gamboa, Jun-Jun Amor, Leonardo Nical at dalawa pang iba na hindi kilala ni Maniago.
Inalerto na ng barangay ang Philippine Coast Guard ukol sa pagkawala ng mga naturang mangingisda.