“Dilaw” nasa likod ng mga planong pagpapatalsik sa kaniya ayon kay Duterte

DEADLINE. President Rodrigo R. Duterte announces during his visit at Camp Morgia in Doña Andrea, Asuncion, Davao del Norte on Friday, July 29, 2016 that the New People’s Army only has until 5:00 p.m. of July 30, Saturday to declare a ceasefire from their side. Otherwise, Duterte will lift the Unilateral Ceasefire he has declared during his first State of the Nation Address. RENE LUMAWAG/PPD
RENE LUMAWAG/PPD

Inakusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga “dilaw” na umano’y nasa likod ng mga planong patalsikin siya sa pwesto.

Sa pagdalo niya sa United Nations Convention Against Corruption, sinabi ng pangulo na nagsasagawa ng demonstrasyon ang mga “dilaw” dahil hindi nila matanggap ang pagkatalo.

Mababatid na dilaw ang kulay ng Liberal Party (LP) na partido ng nagdaang administrasyon, at ni Vice President Leni Rorbedo na nag-resign sa Gabinete dahil sa ikinakatwiran ng Palasyo na “irreconcilable difference” umano nila ng pangulo.

Katwiran ng pangulo, ang pagpapaalis sa kaniya sa pwesto ay bahagi ng pulitika.

Nagpahaging rin ang pangulo na maaring magresulta ito ng pakinabang para sa bise presidente na kapartido ng aniya’y kumakalaban sa kaniya.

Sa kabila naman ng pagbibitiw niya bilang housing czar, ipinangako ni Robredo na patuloy niya pa ring susuportahan ang pangulo dahil ito ay kaniyang obligasyon.

Gayunman, una na rin niyang sinabi na hindi rin siya titigil sa pag-batikos sa mga polisiya ng pangulo na sa tingin niya ay hindi makatutulong sa mga tao.

Read more...