Senate report: Walang ebidensya na may ‘death squad’ at state-sponsored killings sa bansa

 

Inquirer file photo

Walang patunay na may kinalaman ang gobyerno sa mga insidente ng gabi-gabing patayan sa bansa.

Wala ring ebidensya na may grupong tinatawag na ‘Davao Death Squad’ na pumapatay noon sa lungsod ng Davao noong panahong alkalde pa si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang nilalaman ng 19 na pahinang executive summary report ng Senate committee on justice and human rights at committee on public order and dangerous drugs na pinangunahan nina Sen. Richard Gordon at Panfilo Lacson.

Sa naturang ulat, lumitaw na walang ebidensya na makapagsasabi na may nagaganap na state-sponsored killings sa bansa upang masugpo ang pagkalat ng iligal na droga

Gayunman, isinasaad sa report na totoong may nagaganap na mga kaso ng pagpatay taun-taon sa loob ng dalawang dekada na hindi nabibigyan ng hustisya.

Wala ring patunay na makapagtuturo na mayroong gumagalang Davao Death Squad na pumapatay ng mga sangkot sa ipinagbabawal na gamot, ayon pa sa ulat mula sa dalawang komite na nag-imbestiga sa mga kaso ng extrajudicial killing sa Pilipinas.

Matatandaang lumobo anag bilang ng mga napapatay na mga gumagamit at nagbebenta umano ng iligal na droga sa bansa, makaraang maupo sa puwesto si pangulong Rodrigo Duterte.

Read more...