Human rights day rallies, ikinakasa na

 

Bilang paggunita sa International Human Rights Day sa December 10, magsasagawa ang isang militanteng grupo ng mga pag-protesta sa buong bansa.

Sa isasagawang rally ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) sa Sabado, ipapanawagan nila kay Pangulong Rodrigo Duterte na harapin ang apat na “urgent human rights issues.”

Ayon kay Bayan secretary general Renato Reyes Jr., nananatiling isa sa mga panawagan ng kanilang grupo ang paghahanap ng hustisya para sa mga human rights victims noong martial law.

Pangalawa ay ang mabilis na pagpapalaya sa mahigit 400 na anila’y “unjustly detained” na mga political prisoners.

Giit ni Reyes, hindi dapat gamitin ng pamahalaan ang mga political prisoners na parang bargaining chips sa peace negotiations.

Tinutukoy ni Reyes dito ay ang pangako ni Duterte na pagpapalaya sa mga political prisoners oras na malagdaan ang bilateral ceasefire agreement sa pagitan ng pamahalaan at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Pangatlo naman ay ang pagsusulong nila na ipahinto na ang militarisasyon sa mga kanayunan.

Ang huli naman ayon kay Reyes ay ang pagwawakas sa impunity na umiiral sa drug war ng pamahalaan, kaugnay ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nasasawi dahil dito.

Read more...