Ang nasabing pasilidad na itatayo ng San Miguel Foundation ay ang kauna-unahan sa ilan pang itatayo ng kumpanya sa ilalim ng kanilang P1-billion na donasyon sa pamahalaan nitong nagdaang Agusto.
Ayon kay San Miguel president and COO Ramon Ang, buo ang kanilang suporta sa pamahalaan sa pagsusulong nito ng anti-drug dependency.
Nais aniya ng kanilang kumpanya na makatulong sa pagbabago ng mga drug dependents, lalong lalo na ang mga kabataan.
Nilagdaan nina Ramon Ang, Cabinet Sec. Leoncio Evasco Jr., Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Ismael Sueno, Department of Health Sec. Paulyn Jean Ubial, Bataan Provincial Gov. Albert Garcia at Pilipinong May Puso Foundation Inc. (PMPF) chair Rowena Kristina Amara Velasco ang nasabing kasunduan.
Sa ilalim nito, nakasaad na sa SMC manggagaling ang pondo at sila rin ang magtatayo ng rehabilitation facility, pati na ang pagbibigay ng mga specifications para sa konstruksyon nito sa DILG at sa Office of the President.
Ang PMPF naman ang bahalang bumuo at magbigay ng mga sustainable livelihood programs at capability-building activities para sa mga nagpapagaling na drug dependents.