Donald Trump, ‘Person of the Year’ ng Time magazine

 

Mula sa TIME

Si US President-elect Donald Trump ang itinanghal na Person of the Year ng sikat na Time magazine para sa taong 2016.

Ayon sa managing editor ng Time magazine na si Nancy Gibbs, ang natalong kandidato na si Hillary Clinton ang nasa ikalawang pwesto ng kanilang listahan.

Aniya, naging “straightforward” ang pagkakapili kay Trump para sa taong ito.

Itinuturing naman ito ni Trump bilang isang malaking karangalan, at aniya, mahalaga para sa kaniya ang nasabing pagkilala.

Sa ngayon ay naghahanda na si Trump para sa kaniyang pag-upo bilang susunod na pangulo ng Estados Unidos at pinupunan pa ang mga pwesto sa kaniyang Gabinete.

Read more...