Ayon sa mga Pakistani officials, lumipad mula sa bayan ng Chitral na isang kilalang tourist destination malapit sa Pakistan-Afghanistan border ang Pakistan International Airlines flight no. PK 661 at patungo sana sa Islamabad.
Gayunman, hindi na ito nakarating sa kanyang destinasyon at nag-crash at masunog sa kabundukan malapit sa syudad ng Havelian, Abbottabad.
Kasama sa nasawi ang 42 pasahero, limang crew at isang ground engineer.
Kabilang rin sa mga namatay sa trahedya ang dating Pakistani pop singer at televangelist na si Junaid Jamshed.
Agad namang naglunsad ng imbestigasyon ang Pakistani Civil Aviation Authority upang matukoy ang dahilan ng pagbagsak ng eroplano.