Apat sugatan sa pagsabog sa Iligan

 

Kinumpirma ni AFP spokesman Restituto Padilla ang naganap na pagpapasabog sa Freedom park sa Brgy. Poblacion, Iligan city bago mag-7:00 Huwebes ng gabi.

Apat na bystander ang kumpirmadong sugatan sa insidente na agad na itinakbo sa ospital.

Base sa mga testimonya ng mga saksi, may nakita silang isang lalaki na sakay ng motorsiklo ang naghagis ng diumano’y hand grenade sa freedom park.

Inilarawan ng mga nakakita ang suspek na nakaitim na pang itaas, naka-bonet at puting sapatos.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.

Kumakalap na rin ng karagdagang impormasyon at ebidensya ang Iligan City police sa pag-asang makikilala at agad na maaresto ang suspek.

Read more...