Aprubado na ang appointment ni Department of Information and
Communications Technology (DICT) Secretary Rodolfo Salalima sa Commission on Appointments (CA).
Kinilala ng CA members ang halaga ng ahensyang hahawakan ni Salalima, pati na ang kakayahan ng Kalihim bago pa man ito naitalaga sa nabanggit na tanggapan.
Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng DICT Secretary sa pamahalaan dahil ngayon lang din nabuo ang naturang Kagawaran.
Samantala, lusot na rin sa CA si Tourism Sec. Wanda Corazon Tulfo-Teo.
Kinilala ng mga mambabatas ang importansya ng turismo sa bansa, lalo’t nagbibigay ito ng malaking ambag sa ating ekonomiya.
Si Teo ay nakilala sa kaniyang papel sa tourism industry, kahit noong siya ay nasa pribadong sektor pa lang.
Bukod sa dalawa, lusot na rin sa makapangyarihang komisyon sina National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Ernesto Pernia at Department of Science and Technology (DOST) Secretary Florentino Dela Peña.