Nasungkit ng De La Salle University Green Archers ang kampeonato sa 79th season ng UAAP men’s basketball tournament.
Ito ay matapos talunin ng La Salle ang Ateneo de Manila University Blue Eagles sa iskor na 79-72.
Sa unang quarter pa lang ng laban ay naging agresibo na ang Green Archers at lagi namang naghahabol ang Blue Eagles hanggang sa matapos ang laro.
Sa unang bahagi pa lamang ng laro ay naging mainit na kaagad ang Archers kung saan laging naghahabol ang Blue Eagles hanggang sa pagtatapos ng game.
Sa pagtatapos ng laban, itinanghal na finals MVP si Jeron Teng matapos makapagtala ng 19 points sa first half pa lamang ng laro.
Ito na ang ika-siyam na koronan na nasungkit ng La Salle sa UAAP kung saan ang huli ay noong 2003.
MOST READ
LATEST STORIES