ISIS, nagtatayo na umano ng base sa Mindanao ayon sa Indonesian Military

IsisNagtatayo na ng kanilang base sa Pilipinas ang Islamic State ayon sa impormasyon na natanggap ng Indonesian Military.

Ayon kay TNI commander Gen. Gatot Nurmantyo, ang sunud-sunod na insidente ng pagdukot ng mga teroristang grupo sa mga lulan ng commercial vessels kamakailan na dumaraan sa southern Philippines ay indikasyon na ang IS militants at nag-iipo ng pera makapagtayo ng kanilang terrorist base.

Sa ulat ng Jakarta Post, nangangamba si Gatot dahil kung maisasakatuparan ito ng ISIS, magiging madali na para sa nasabing international terrorist group ang makasok sa Indonesia.

Nitong nagdaang mga buwan, sunud-sunod ang pagdukot sa mga Indonesian at Malaysian at umaabot sa milyong dolyar ang ransom na hinihingi para sa kanilang paglaya.

Sa kaniyang pagdalo sa seminar on terrorism sa Central Jakarta binanggit ni Gadot ang ulat ng Inquirer noong Oktubre na umabot sa 7.1 million dollars ang naibulsa nang ransom money ng Abu Sayyaf mula Enero hanggang Hunyo.

Ayon naman kay terrorism analyst Al Chaidar, ang supreme leader mismo ng ISIS na si Abu Bakr Al-Baghdadi ang nagdesisyon na sa Mindanao itayo ang IS base sa Southeast Asia.

Itinalaga pa umano ni Al-Baghdadi si Isnilon Hapilon ng Abu Sayyaf, bilang leader ng IS forces sa buong Southeast Asia at ayon kay Chaidar, binigyang kapangyarihan si Hapilon na mag-utos sa lahat ng IS members sa Timog Silangang Asya.

 

Read more...