Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong Chief is Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Lieutenant General Eduardo Año.
Papalitan ni Año ang magreretiro nang si General Ricardo Visaya.
Mamayang hapon, pangungunahan ni Duterte ang isasagawang turnover ceremony sa Camp Aguinaldo.
Si Año ay commanding general ng Philippine Army simula July 2015.
Nagsilbi din siyang commanding general ng 10th Infantry Division sa Davao Region.
Sa October 26, 2017 naman nakatakdang maabot ni Año ang kaniyang mandatory retirement age.
MOST READ
LATEST STORIES