Dalawang flights ng Cebu Pacific, kanselado dahil sa sama ng panahon

cebu-pacificKinansela na ng Cebu Pacific ang dalawang domestic flights nito dahil sa masamang panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado na ngayon araw ang flights 5J 821 Manila – Virac at 5J 822 Virac Manila ng nasabing airline company.

Hindi kasi maganda ang panahon ngayon sa Catanduanes.

Ang mga apektadong pasahero ay maaring makipag-ugnayan sa Cebu Pacific para maiparebook ang kanilang biyahe o di kaya ay mag-refund na lang ng pamasahe.

 

 

Read more...