20 colorum na sasakyan hinuli ng LTO, nakaparada sa East Avenue

Colorum Vehicles | Radyo Inquirer File Photo
Radyo Inquirer File Photo

Apektado ang daloy ng trapiko sa magkabilang linya ng East Avenue sa Quezon City dahil sa mga kolorum na sasakyan na walang paglagyan.

Ang mga sasakyan ay hinuli at na-impound ng Land Transportation Office (LTO).

Pero dahil wala pang paglagyan sa mga ito, nakaparada mula ang mga ito sa magkabilang panig ng East Avenue.

Labinglimang kolorum na bus ang nakaparada at nakakasakop sa isang linya ng East Avenue patungo sa Elliptical Road.

Habang tatlong kolorum na bus din at isang colorum L300 van naman ang nakaparada sa kabilang lane ng East Avenue patungong EDSA.

Karamihan sa mga na-impound na sasakyan ay walang prangkisa, walang sapat na dokumento at peke ang plaka.

 

 

Read more...