CALABARZON at Metro Manila, uulanin ngayong maghapon-PAGASA

Malalakas na hangin galing sa Southwest ang iiral sa Quezon Province at Batangas samantalang ang karagatan ay magiging maalon. Ang CALABARZON kasama na ang Metro Manila ay inaasahan na ang mga malalakas na ulan mamayang hapon hanggang gabi.

Ito’y dulot p a rin ng hanging habagat na hinihila ng bagyong Hanna na ngayong umaga ay mananalasa sa Taiwan habang papalabas naman sa ating bansa.

Ang malalakas na hanging habagat ay mararamdaman ngayon ng Mindoro, Palawan, Central Luzon at Northern Luzon.

Nananatiling nakataas ang signal number 2 sa Batanes Province at Itbayat kung saan ayon sa PAGASA ay maaaring magkaroon ng storm surges.

Ang signal number 1 naman ay nakataas sa Calayan, Babuyan group of islands, kabilang ang Northern Cagayan. Ayon sa PAGASA, bagaman lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Hanna ngayong gabi ay palalakasin nito ang hanging habagat sa Central Luzon, Southern Luzon, kabilang ang Western section ng Visayas gayundin ang lalawigan ng Mindoro, Ilocos Norte at Apayao. / Jake Maderazo

Read more...