60 libong katao, naapektuhan ng habagat sa Maguindanao

11823812_1006012802743401_893069391_n
Contributed Photo

Umabot sa 60,000 katao ang naapektuhan ng habagat na pinalakas ng bagyong Hanna sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) pitumpung barangay sa walong munisipalidad ng Maguindanao ang naapektuhan ng malakas na ulan at pagbaha.

Kabilang sa mga apektadong bayan ang Ampatuan, Datu Salibo, Northern Kabuntalan, Mother Kabuntalan, Sultan Kudarat, Sultan Masura,
Datu Montawal at Datu Piang.

Sa datos ng NDRRMC, 6,815 na katao ang apektado sa Ampatuan, 16,070 sa DAtu Salibo, 12, 195 sa Northern Kabuntalan, 905 sa Kabuntalan, 10,520 sa Sultan Kudarat, 3,095 sa Sultan Mastura, 11,100 sa Datu Montawal habang patuloy naman ang paglikom ng datos sa mga naapektuhang residente sa Datu Piang.

Ayon sa NDRRMC, bagaman hindi kinailangang ilikas ng mga apektadong residente, hindi naman sila nakalabas sa kanilang mga tahanan dahil sa tubig bahang dulot ng ilang araw na pag-ulan.

Maliban sa Maguindanao, apektado rin ng pagbaha ang ibang lugar sa Mindanao gaya ng Malaybalay City at Valencia City sa Bukidnon./ Dona Dominguez-Cargullo

Read more...