Hanging Amihan, lalakas pa mula ngayong araw

Aasahan ang paglakas pa ng Hanging Amihan simula ngayong araw ayon sa PAGASA.

Sa forecast ng PAGASA, ang Northeast Monsoon ay umiiral na ngayon sa Northern Luzon.

Habang tail-end ng cold front naman ang naka-aapekto sa eastern section ng central at southern Luzon.

Ayon sa PAGASA, aasahan ngayong araw ang hanggang katamtamang pag-ulan at thunderstorms sa Bicol Region at sa mga lalawigan ng Quezon, Rizal at Aurora.

Habang may mahinang pag-ulan naman sa Ilocos, Cordillera at Cagayan Valley.

Sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa, isolated rainshowers at thunderstorms lang ang iiral ngayong araw.

 

 

Read more...