Tatlong magkakasunod na sunog naitala sa Metro Manila

Radyo Inquirer File Photo | Jong Manlapaz
Radyo Inquirer File Photo | Jong Manlapaz

Nakapagtala ng tatlong magkakasunod na sunog sa Mandaluyong at Taguig City mula madaling araw kanina.

Sa Mandaluyong City, 60 pamilya ang naapektuhan ng sunog na naganap sa Blk. 16, Barangay Addition Hills.

Umabot sa ikalimang alarma ang sunog na nagsimula ala 1:32 ng madaling araw at naapula bago mag alas tres ng madaling araw.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, 30 bahay ang natupok ng apoy na hinihinalang nagsimula sa natumbang kandila.

Inaalam pa kung magkano ang halaga ng mga ari-ariang natupok ng apoy.

Samantala, isang sunog din ang naganap sa Purok 2 sa Lower Bicutan, Taguig kaninang alas 4:20 ng umaga na mabilis namang naapula makalipas ang isang oras.

Samantala alas 5:25 ng umaga, itinaas sa 4th alarm ang sunog na sa Fisher Valley, Barangay Pinagsama, C5 Road sa Taguig City.

Ilang sasakyan na nakaparada sa lugar ang naapektuhan ng sunog.

Naideklara naman itong under control bago mag alas sais ng umaga.

 

Read more...