Peter Lim pinaghahanap ng NBI matapos ituro ni Kerwin Espinosa

 

Kinumpirma ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na pinaghahanap na ng National Bureau of Investigation (NBI) si Peter Lim matapos kaladkarin ni confessed drug lord Kerwin Espinosa ang kaniyang pangalan sa kalakalan ng iligal na droga.

Ayon kay Aguirre, hinahanap na ng NBI si Lim para sa additional case build up.

Si Lim ay una nang napangalanan bilang drug dealer na naging laman rin ng mga naunang drug matrix ni Pangulong Rodrigo Duterte, ngunit kaniya naman itong itinanggi.

Nitong nakaraang pagdinig lang ng Senado, idinawit naman siya ni Espinosa, at sinabing nakilala niya si Lim sa pamamagitan ng pumanaw nang drug lord na si Jeffrey “Jaguar” Diaz.

Ani Espinosa, kay Lim kumukuha ng kaniyang mga supply noon si Diaz.

Read more...