Pinalilipat na ng isang korte sa Leyte ang kustodiya kay confessed drug lord Kerwin Espinosa mula sa Anti-Illegal Drugs Group (AIDG) ng Philippine National Police (PNP), papuntang National Bureau of Investigation (NBI).
Naglabas na ng kautusan si Judge Carlos Arguelles ng Baybay, Leyte Regional Trial Court Brach 14 para ilipat ng AIDG si Espinosa sa loob ng 10 araw mula sa pagkakatanggap nila ng order.
Pagkatapos nito, kailangan rin nilang ipaalam sa naturang korte na nasunod na nila ang kautusan.
Dagdag dito, ibinilin rin ng korte sa direktor ng NBI ang buhay na katawan ni Espinosa na ididitine nila bilang isang preso alinsunod sa kanilang kautusan.
Matatandaang mula nang makabalik dito sa bansa si Espinosa mula sa Abu Dhabi, ang PNP na ang sumundo at humawak sa kaniya.