Kabilang sa mga kinasuhan sina dating DOTC Sec. Joseph E,milio ‘Jun Abaya’ at anim pang opisyal ng Kagawaran at LTO.
Mismong si Atty. Al Vitangcol, na dating general Manager ng Metro Rail Transit 3 (MRT3) ang naghain ng reklamo sa DOJ kasama ang mga kinatawan ng mga grupong Citizens Crime Watch (CCW) at Liga ng Explosibong Pagbabago laban sa kanyang dating hepe.
Paliwanag ni Vitangcol na ang reklamo laban sa mga dating opisyal ng DOTC at LTO ay isasama na sa naunang kasong naisampa laban sa Power Plates Development Concepts Inc. at J. Knierniem BV-Power Plates (PPI-JKG Joint Venture) bilang mga karagdagang respondents.
Taong 2013 nang makuha ng PPI-JKG ang P3.8 billion Motor Vehicle License Plate Standardization Program na hindi nagtagumpay hanggang ngayon.
Dahil umano sa kuntsabahan nina Abaya at iba pang opisyal upang maigawad ng kontrata sa mga naturang supplier na hindi kuwalipikado, naperwisyo nang husto ang publiko pagdating sa pag-iisyu ng mga plaka ng sasakayan.
Malinaw aniya na dahil sa kawalan ng sapat na pondo ng mga bidder ng proyekto na mabayaran ang mga karampatang buwis, hindi ito mailabas mula sa Bureau of Customs.
Naniniwala aniya ang kanilang grupo na may basbas ng mga naturang opisyal ang maanomalyang transaksyon.