Alvarez sa posibleng pagkalas ng mga kongresista sa supermajority: ‘Walang problema!’

 

Hindi natatakot si House Speaker Pantaleon Alvarez sa posibilidad na bumaligtad o magkalasan na sa supermajority ang mga Kongresista, dahil sa pagbibitiw sa Duterte cabinet ni Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Alvarez, walang problema sa kanya sakaling umalis sa supermajority ang mga mambabatas at lumipat sa oposisyon.

Sa ngayon aniya ay kumportable siya sa numero ng koalisyon.

Sa hiwalay namang press conference, kinumpirma ng ilang Liberal Party Congressmen na pinag-uusapan na nila ang pagkalas sa alyansa sa Duterte administration.

Gayunman, inamin ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat na sakaling umalis sa supermajority ang ilang LP solons ay may masasakripisyo, gaya na lamang ng chairmanship at posisyon sa House committees.

Para naman kay Caloocan Rep. Edgar Erice, panahon nang maging solido ang LP at magkasundo upang maging tunay na oposisyon.

Masyado aniyang awkward kung mananatili pa sa supermajority ang mga taga-LP, gayung hindi maganda ang naging pagtrato ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo.

Read more...