Mga pribadong sasakyan, makakadaan na sa Kampo Aguinaldo simula Lunes

 

Makakadaan na ang mga pribadong motorista nakakuha ng ‘decal’ o ‘sticker’ sa loob ng Kampo Aguinaldo simula sa Lunes.

Ito ang kinumpirma ni Brig. General Allan Martin, ng Headquarters Support Command ng Kampo Aguinaldo.

Ayon kay Martin, ngayong darating na Huwebes at Biyernes ay ipagkakaloob na sa mga motorista na mga nag-apply ang kanilang mga stickers para makatagos sa loob ng Kampo Aguinaldo at makaiwas sa trapiko sa EDSA.

Kasunod nito, nilinaw ni Martin sa weekdays lamang papayagan makadaan ang mga pribadong sasakyan at tuwing ‘rush hour’ lamang

Samantala, tiniyak ng opisyal na dumaan sa mahigpit na background investigation ang mga nag-apply ng sticker para matiyak na hindi mga terorista at hindi magiging banta sa loob ng Kampo ang mabibigyan ng sticker.

Read more...