Cesar Montano, may puwesto na sa DOT

 

Kinumpirma ni Tourism Sec. Wanda Teo ang pagbibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte ng posisyon sa aktor na si Cesar Montano sa Department of Tourism.

Ayon kay Teo, itinalaga ng pangulo si Montano bilang Chief Operating Officer ng Tourism Promotions Board.

Bilang pinuno ng nasabing sangay ng kagawaran, si Montano ang magiging responsable sa domestic at international marketing at promotion ng Pilipinas bilang isang major global tourism destination.

Aniya pa, mismong sa pangulo nanggaling ang appointment kay Montano kaya kailangan talagang sundin.

Magsisimula naman sa kaniyang trabaho nilang pinuno ng Tourism Promotions Board si Montano sa darating na December 15.

Read more...