Banta umano sa buhay ni Sen. De Lima, lalong tumindi

 

Ibinunyag ni Senador Leila de Lima na matapos ang pagdinig ng Senado ay lalong tumindi ang banta sa kanyang seguridad.

Ayon kay De Lima, ito ang sinabi sa kanya ng isang source at nagbilin pa ito na doblehin ang kanyang pag-iingat.

Dahil aniya dito, inamin ng senadora na nagkaroon ng adjustments sa kanyang security at mas lalo na silang naging alerto.

Paglilinaw naman nito hindi naman siya nagdagdag ng kanyang mga security aides sa ngayon.

Matatandaang sa mga nakaraang mga pagdinig sa Senado at maging sa Kamara, itinuro ng ilang mga convicts at mga confessed drug lords at maging ng kanyang mga dating tauhan si De Lima na tumatanggap umano ng drug money noong panahon ng eleksyon.

Mariin naman itong itinatanggi ng mambabatas sa pagsasabing ginigipit lamang siya ng administrasyon, dahil s akanyang matinding pagpuna sa mga nagaganap na extrajudicial killings sa bansa.

Read more...