Byahe ni Duterte sa Russia plantsado na

duterte-putin
Inquirer file photo

Ibinida ni Department of Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay na naging makabuluhan ang kanyang unang pagbisita sa Russia.

Tumulak si Yasay sa Moscow para makipagpulong sa kanyang counterpart na si Russian Foreign Minister Sergey Lavrov.

Sa nasabing pulong, sinabi ni Yasay na natalakay ang tungkol sa bilateral relations ng Pilipinas at Russia tulad ng pagpapaigting sa kooperasyong pampulitikal, seguridad, ekonomiya at kultura.

Napag-usapan din aniya ang gagawing preparasyon sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Russia sa susunod na taon.

Maging ang chairmanship aniya ng Pilipinas sa ASEAN 2017 at ilan pang usapin na may kinalaman sa United Nations ay natalakay din sa pagpupulong.

Pero sa kabila nito, iginiit ni Yasay na hindi ito ang unang pagkakataon na pinalakas ng Pilipinas ang relasyon sa Russia dahil ang ibang naging kalihim ng DFA ay sumalang din sa bilateral meetings sa naturang bansa.

Read more...