Pinagbibitiw na ng Palasyo ng Malacañang si Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Patrica Licuanan.
Paliwanag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, nanatiling umiiralang ang memorandum circular number 4 na ipinalabas ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa naturang memorandum, hinihiling ng pangulo sa lahat ng mga political appointees kahit na mayroong fixed term na maghain na ng kani-kanilang courtesy resignation sa pangulo.
Sinabi pa ni Abella na sa kaso ni Licuanan, hindi ito pinilit ng pangulo na magbitiw dahil sa pagiging “gentleman” ng chief executive.
Sa halip na direktang atasan ng pangulo na mag-resigan, pinagbawalan na lamang si Licuanan na dumalo sa mga cabinet meeting.
Kahapon ay bumaba na sa kanyang posisyon bilang pinuno ng Housing and Urban Development Corrdinating Council (HUDCC) si Vice President Leni Robredo makaraan siyang pagbawalang dumalo sa mga cabinet meetings.