Grupong Kadamay, lumusob sa NHA; kawalan ng programa sa pabahay ng administrasyon, kinondena

Kuha ni Louie Ligon
Kuha ni Louie Ligon

Lumusob sa tanggapan ng National Housing Authority (NHA) sa Elliptical Road sa Quezon City ang grupo ng mga maralita para ipanawagan sa pamahalaan ang programa sa pabahay.

Ang grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap ay nagsagawa ng programa na tinawag nilang “Lakbayan ng Maralita”.

Matapos ang isinagawang programa sa NHA, nagtungo naman ang grupo sa Welcome Rotonda at target ding makapagsagawa ng protesta sa bahagi ng Mendiola.

Ayon kay Gabriela Rep. Arlene Brosas, sa limang buwan sa pwesto ng Duterte administration, wala pa ring malinaw na programa para sa pabahay sa mga mahihirap.

Iginiit din ng grupo na sa ilang buwan sa pwesto ng nagbitiw na si HUDCC Chairperson, Vice President Leni Robredo ay wala pa rin itong naitulong sa mga maralitang walang bahay.

 

Read more...