Unang cabinet meeting matapos magbitiw sa gabinete si VP Robredo, masigla, ayon sa Malakanyang

Inquirer File Photo | Nikko Dizon
Inquirer File Photo | Nikko Dizon

Inilarawan ng Malakanyang na ‘upbeat’ o masigla ang unang cabinet meeting ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala si Vice President Leni Robredo.

Pero ayon kay Presidential spokesman Ernesto Abella, hindi galing sa pangulo ang pader na namamagitan sa kanila ngayon ng bise presidente.

Ayon pa kay Abella, si Robredo ang umalis sa gabinete ng pangulo.

Paliwanag ni Abella, ‘no attachment’ naman sa gabinete ni Pangulong Duterte kung kaya malaya ang sinuman na gustong umalis.

Maari aniyang may personal na rason ang pangulo kung kaya hindi nilagdaan ang executive order na nagtatatalaga kay Robredo bilang Chairperson ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC).

Read more...