Hindi nabanggit ni Duterte ang pangalawang pangulo, o anumang may kaugnayan sa pagre-resign nito sa kaniyang talumpati sa tradisyunal na seremonya ng pag-iilaw sa Christmas tree sa Malacañang.
Gayunman, nanawagan naman si Duterte sa “oposisyon” na maghintay lamang sa kanilang tamang oras, dahil naging abala ang kaniyang administrasyon sa pagharap sa mga problema ng bansa.
“To the opposition, just wait for your time. Anyway … You’ve had your days,” ani Duterte.
Hindi naman partikular na tinukoy ni Pangulong Duterte kung anong grupo ang tinawag niyang oposisyon o kung sinu-sino ang mga bumubuo dito.
Matatandaang nag-bitiw sa pwesto si Robredo matapos siyang sabihan ni Cabinet Sec. at ngayo’y HUDCC chair Jun Evasco, na huwag nang dumalo sa mga Cabinet meetings dahil sa kanilang “irreconcilable differences” ng pangulo.