Fort Ilocandia na pag-aari rin umano ni Jack Lam, ipinasara na rin

 

Inquirer file photo

Matapos na maipasara ang kontrobersyal na Fontana Leisure Park and Casino sa Pampanga, ipinasara na rin ng Malacañang ang Fort Ilocandia Resort Hotel sa Laoag City.

Ang naturang establisimiyento ay parehong pag-aari ng online gaming tycoon na si Jack Lam.

SI Jack Lam ay inaakusahan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na nagtangka umanong manuhol sa kanya sa pamamagitan ng isang emisaryo.

Ayon sa direktiba mula sa tanggapan ng Office of the President, ang pansamantalang pagpapasara ng dalawang casino ay habang isinasagawa ang imbestigasyon sa iligal umanong operasyon ng mga online gaming operations dito.

Sinisilip rin ang pagtanggap umano ng mga illegal Chinese workers sa naturang mga casino at online gaming establishments.

Read more...