2 patay sa pamamaril bago maghatinggabi sa QC

 

Patuloy pa rin ang sunud-sunod na pagpatay na may kinalaman sa bawal na gamot.

Bago pa man maghatinggabi, dalawa katao na agada ng bumulagta sa pamamaril ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa Kasayahan St., cor. IBP Rd., Bgy. Batasan Hills sa lungsod ng Quezon.

Kinilala ang isa sa pinatay si Gloria Melgar, 42 anyos at isang hindi pa nakikilalang lalake na nakasuot ito ng itim na tshirt at maong na shorts.

Sa kwento ni Analyn, kapatid ng napatay na si Gloria, isang lalaki ang humarang sa kanya sa eskinita na nakaputing sando at maskara at pilit siyang pinalalayo sa lugar.

Pagkatapos niyang makaaali, nakarinig na lang siya ng sunud-sunod na putok.

At duon na lamang niya napagtanto na napatay pala ang kanyang kapatid na si Gloria.

Nabatid na kahapon lamang ng umaga, isinailalim sa drug test si Gloria sa Batasan police station, at positibo ang resulta ng drugtest nito.

Read more...