Supt. Marcos, 27 iba pa kinasuhan ng multiple murder sa Espinosa killing

 

Richard A. Reyes/Inquirer

Sinampahan na ng reklamong multiple murder ng National Bureau of Investigation (NBI) sina Supt. Marvin Marcos at 27 iba pa dahil sa kontrobersyal na pagkamatay ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. at isa pang inmate ng Baybay sub-provincial jail noong November 5.

Ayon kay NBI spokesperson Ferdinand Lavin, noong Byernes pa isinampa ang reklamo sa Department of Justice.

Si Marcos, na noo’y hepe ng CIDG Region-8 at ilan niyang tauhan ang nanguna sa paghahain ng search warrant sa selda ni mayor Espinosa ngunit pumalag umano ang alkalde kaya’t nabaril ito at napatay.

Gayunman, duda ang ilang mga senador sa ‘scenario’ na inilatag ng mga tauhan ng CIDG-8 kaya’t sumalang sa imbestigasyon ang mga ito sa Senado.

Sa pagdinig, isiniwalat ni Kerwin Espinosa, anak ng napatay na alkalde at maging sa affidavit nito na tumatanggap ng buwanang ‘payola’ sina Marcos at dalawa pa nitong tauhan mula sa kanilang illegal drug operation.

Read more...