Naghain ng one month leave sa trabaho si Energy Regulatory Commission (ERC) Chairman Jose Vicente Salazar sa gitna ng pagsasagawa ng imbestigasyon sa umano’y irregularidad sa ahensya.
Nag-ugat ang imbestigasyon sa ahensya matapos magpakamatay ni ERC Commissioner Francisco Villa Jr. noong nakaraang buwan dahil sa pressure sa trabaho.
Ayon kay Salazar, nais niyang mag-leave sa trabaho para tutukan ang pagbibigay ng tulong sa isasagawang imbestigasyon kaugnay sa mga isyu na may kinalaman sa ERC.
Sinabi rin ng opisyal na magsisilbing ERC Officer-in-Charge si Commissioner Geronimo Sta. Ana habang siya ay nakabakasyon.
Bago pa man mag-leave si Salazar, nakipagpulong pa ito noong nakaraang linggo kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Una nang nanawagan ang pangulo sa lahat ng opisyal ng ERC na magbitiw na sa puwesto.