May kaugnayan ito sa umano’y pagsisinungaling at pabago-bagong pahayag ni Dayan sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs.
Ayon kay Pacquiao, “I move that Mr. Dayan be held in contempt. Marami kang kasinungalingan, sabi mo wala kang number ni Kerwin Espinosa, tapos ngayon sinabi mo na binigay sayo ni Senator De Lima ang number”.
Sinabi ni Pacquiao na imposibleng iisang drug lord lang ang kausap ni Dayan na tulad ni Kerwin Espinosa at taliwas umano ito sa mga naging pahayag ng ilang mga testigo na nagsabing kolektor ng pera ni Sen. Leila De Lima ang kanyang dating driver at lover.
Nag-mosyon naman si Sen. Tito Sotto na dapat umanong ilipat sa Building 14 ng maximum security compound sa New Bilibid Prisons si Dayan.
Aminado si Sen. Ping Lacson na siyang pinuno ng komite na halatang may mga itinatagong impormasyon si Dayan sa kanyang ginawang pagharap sa Senado.
Ipinaliwanag ni Lacson na pag-uusapan ng mga kasapi ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs sa kung ano ang kanilang gagawin kay Dayan.