Paglikom ng pera para sa kampanya, ideya ni De Lima ayon kay Dayan

dayan de limaSi Senator Leila de Lima ang may ideya para lumikom ng pera para sa kaniyang kampanya noong 2016 elections.

Sa pahayag ni Ronnie Dayan sa senate hearing sinabi nitong inutusan lang siya noon ni De Lima at sinabihan syang maglikom ng pondo.

Tinanong kasi ni Senator Manny Pacquiao si Dayan kung kaninong ideya ang maglikom ng pera para sa kampanya, na sinagot naman ni Dayan na kay De Lima.

Nanindigan din si Dayan na tanging kay Kerwin lamang siya kumukuha ng pera at wala siyang ibang pinagkukunan na drug lord.

Hindi pa rin naman nagtugma ang petsa na binanggit nina Espinosa at Dayan kung kailan sila nagkita-kita sa Baguio City kasama si De Lima.

Taong 2015 ang binabanggit ni Kerwin habang taong 2014 naman ang pagkakatanda ni Dayan.

 

Read more...