Nagsalungatan sa kani-kanilang mga testimonya ang umano’y drug lord na si Kerwin Espinosa at isang lokal na opisyal na sangkot sa iligal na droga.
Sa pagdinig ng senado ukol sa pagpatay kay Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr., agad na nagbanggaan ang mga testimonya ng mga resource persons.
Unang natanong ni Sen. Manny Pacquiao ang nakababatang Espinosa sunod si Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot.
Nasabi dati ni Kerwin na regular umanong tumatanggap si Loot ng 120,000 pesos noong heneral pa ito ng PNP bilang proteksyon sa kaniyang illegal drug trade.
Sinabi rin ni Kerwin na una silang nagkakilala ni Loot sa sabungan sa Mandaue.
Itinanggi naman ni Loot ang akusasyon ni Kerwin na siya ay tumatanggap ng drug money.
Ayon sa alkalde, hindi niya kilala si Espinosa at posibleng may gumamit lang ng kaniyang pangalan.
Inamin naman ni Loot na ang sabungan na tinutukoy ni KErwin ay pag-aari ng kaniyang asawa.
NOW: Daanbantayan Mayor Vicente Loot reading his opening statement denies Kerwin Espinosa. @dzIQ990 pic.twitter.com/skyZ2B1QPK
— JEFFREY ESCOSIO (@JEPOI04) December 5, 2016