Kinumpirma ni New Zealand Prime Minister John Key na magbibitiw na siya sa pwesto epektibo sa December 12 dahil panahon na aniya para iwan niya ang pwesto.
Binanggit din nito ang “family reasons” bilang dahilan ng pagbibitiw.
Walong taon na nanilbihan sa pwesto si Key.
Sa susunod na linggo ay nakatakdang magpulong ang National Party na kinabibilangan ni Key para maghalal ng bagong leader.
Samantala, inanunsyo din ni Italian Prime Minister Matteo Renzi ang nakatakda niyang pagbibitiw sa pwesto matapos ang pagktalo sa referendum ng kaniyang partido.
Natalo ng 20 puntos ang ‘Yes’ camp ni Renzi sa isinagawang referendum at sinabing bilang pagtanggap sa ‘full resonsbility’ ay iiwan na niya ang pwesto.