Text na tinanggap ni VP Robredo mula sa Duterte administration, kumalat sa social media

Mula kay Ex-Rep. Barry Gutierrez

Nag-trending sa social media ang hashtag na ‘#labanleni’ matapos ianunusyo ng Pangalawang Pangulo ang kanyang pagbibitiw sa Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi.

Karamihan sa mga gumamit ng naturang hashtag ay nagpahayag ng suporta sa Bise Presidente at sa pagbibitiw nito sa Duterte Cabinet.

May ilan naman na nagpahayag ng pagkadismaya sa naging performace ni Robredo bilang chairperson ng Housing and Urban Development Coordinating Council o HUDCC.

Samantala, bukod sa mga netizens, nagpahayag rin ng pagsuporta ang mga miyembro ng Liberal Party kung saan miyembro ang Pangalawang Pangulo.

Ayon kay Senador Francis Pangilinan na acting president ng LP, dapat binigyan ng dagdag na respeto at pagkilala ng administrasyon si VP Robredo.

Ayon kay Rep. kaka Bag-ao ng Dinagat islands, ipinakita ni robredo na ‘consistent’ ito sa prinsipyong una na niyang ipinangako sa taumbayan noong ito ay nangangampanya pa lamang.

Kumalat naman sa social media ang text message na tinanggap umano ni VP Robredo mula kay Cabinet Secretary Jun Evasco na nagsasabing hindi na ito dapat pang dumalo sa mga susunod na Cabinet meeting.

Ito ay batay sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon pa sa text message.

Read more...