Gambling tycoon Jack Lam, nakalabas na ng bansa-BI

 

Inquirer file photo

Nakalabas na ng bansa ang gambling tycoon na si Lam Yin Lok, o Jack Lam.

Sa isang pahayag, sinabi ni Immigration spokesperson Atty. Maria Antonette Mangrobang na lumabas ng bansa si Lam noong November 29, patungong Hong Kong, batay sa Immigration records.

Hanggang ngayon, wala pang indikasyon na bumalik na ito sa Pilipinas.

Si Lam ay may-ari ng Fontana Casino and Leisure Park sa Clark, Pampanga na sinalakay kamakailan dahil sa umano’y pagtanggap ng mga empleyadong Chinese nang walang kaukulang working permit sa bansa.

Sa naturang raid, nasa mahigit 1,300 mga Chinese ang naaresto ng mga otoridad.

Nang maaresto ang mga naturang Chinese, tinangka umanong suhulan ni Lam, sa pamamagitan ng isang emisaryo si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II at ang pinuno ng PAGCOR upang palayain ang mga naarestong dayuhan at maipagpatuloy ang kanyang casino operations.

Dahil dito, ipinag-utos ni Pangulong Duterte na arestuhin si Lam, dahil sa kasong economic sabotage sa kabila ng katotohanang wala pang kaso o reklamong isinasampa laban dito.

Read more...