Pagbibitiw ni VP Robredo sa Gabinete, sarili niyang desisyon-Evasco

 

OVP file photo

Kinumpirma ni Cabinet Secretary Jun Evasco Jr., na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo na huwag nang dumalo sa mga susunod na pagpupulong ng Gabinete.

Ayon kay Evasco, ‘irreconcileable differences’ o ‘hindi na maaayos na pagkakaiba’ ang dahilan ng naging direktiba ng pangulo kay Robredo.

Gayunman, iginiit ni Evasco na hindi sinibak ni Pangulong Duterte ang Pangalawang Pangulo sa kanyang Gabinete bilang chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC).

Sariling desisyon ni Robredo ang desisyon na magbitiw bilang pinuno ng naturang ahensya.

Ang pahayag ni Evasco ay bunsod ng pagbibitiw sa puwesto ni VP Robredo bilang HUDCC chair, epektibo Lunes, December 5.

Giit ni VP Robredo, nakatanggap siya ng text message mula kay Secretary Evasco na ipinadaan pa ni Pangulong Duterte kay Presidential Assistant Bong Go na sinasabihan siyang huwag nang dumalo sa lahat ng mga Cabinet meeting.

May mga indikasyon na rin aniyang nagsimula na ang tangkang pagpapatalsik sa kanya sa puwesto bilang Pangalawang Pangulo.

Dahil sa naturang mensahe, agad na nagbitiw sa puwesto si Robredo bilang chairman ng HUDCC.

Read more...