Mayor Espinosa, nailibing na

Inquirer file photo

Nailibing na ang ang mga labi ni Albuera, Leyte mayor Rolando Espinosa Sr.

Si Mayor Espinosa ang ama ni self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa na napatay ng mga tauhan ng CIDG Region-8 noong November 5, nang salakayin ng mga ito ang Baybay subprovincial jail kung saan ito nakapiit.

Ayon sa CIDG-8, nanlaban umano ang alkalde nang tangkain nilang isilbi ang search warrant dito.

Sa naturang libing, pawang nakasuot ng puting T-shirt ang mga miyembro ng pamilya ng alkalde, na may mga nakatatak na katagang ‘fight for justice’ sa likuran.

Napanood naman ng anak ni mayor Espinosa na si Kerwin ang naturang libing sa isang pampublikong sementeryo sa Albuera, Leyte sa pamamagitan ng video call.

Read more...