Indonesian aircraft, nawawala simula kahapon

Turi beach sa Batam, Singapore  Photo courtesy: Alamy
Turi beach sa Batam, Singapore
Photo courtesy: Alamy

Nawawala ang isang twin-engine Indonesian police plane na patungo sa isla ng Batam sa Timog bahagi ng Singapore simula kahapon.

Batay sa police report, lumipad ang naturang eroplano sakay ng labing limang katao sa Pangkal Pinang bandang alas nuwebe y medya nang umaga at hinihinalang bumagsak sa pagitan ng sla ng Mensanak at Sebangka o Gentar.

Ayon naman sa Search and Rescue Agency (BASARNAS) ng Indonesia, narekober ang ilang upuan, mga bagahe at dokumento na suspetsang pag-aari ng mga pasahero ng naturang aircraft.

Dagdag pa ni BASARNAS chief Bambang Soelistyo, patuloy ang isinasagawang search operation ng apat na police vessels at navy vessels sa 200-square nautical mile na lugar.

Masyado pa aniyang maagang ideklara na walang nakaligtas at walang natagpuang bangkay sa naturang insidente.

Sa inilabas naman na pahayag ng Civil Aviation Authory of Singapore (CAAS), huling namataan ang police plane 40 nautical miles sa Timog-Silangang bahagi ng Tanjung Pinang.

Nagpadala ang ahensiya ng isang SuperPuma helicopter at Fokker 50 upang tumulong sa search and rescue operation ng Indonesia.

Read more...