Operasyon ng MRT-3, nagka-aberya na naman

mrt-0823Nagkaroon na naman ng aberya ang Metro Rail Transit-3 bandang alas siyete ng umaga.

Pinababa ang mga pasaherong sakay ng northbound train sa Guadalupe Station sa Makati City nang makaranas ng technical failure ang naturang tren.

Dahil dito, pinayuhan ng isang MRT-3 personnel ang mga naabalang pasahero na lumipat sa ibang pampasaherong sakayan.

Samantala, normal naman ang operasyon mula Shaw Boulevard patungong North Avenue Northbound sa Quezon City.

Read more...