Ayon sa pagsusuri, tatlo sa bawat limang bata ang nakakaranas ng physical violence sa kanilang mga bahay at isa sa lima sa kanilang mga paaralan habang dalawa naman sa bawat limang bata ang nakakaranas ng psychological violence sa mismong tahanan nila.
Nasa isa naman sa bawat sampung bata ang nakakaranas ng sexual violence sa kanilang mga bahay.
Dagdag pa dito, isa sa bawat apat na kabataang Pilipino ang nakakaranas ng online abuse ay expose sa mga sexually explicit content.
Pinangunahan ni Bernadette Madrid ng University of the Philippines-Manila Child Protection Unit ang NBS-VAC survey at natapos noong 2015.
Pormal na ilulunsad ng Council for the Welfare of Children ang NBS-VAC sa December 6 sa Manila Hotel para iprisinta ang naturang survey results at kumuha ng suporta ng gobyerno, non-government organizations at iba pang stakeholders sa kampanya laban sa pang-aabuso sa mga bata sa Pilipinas.